Tuesday, May 12, 2009

the trajectory of a tragedy

The cold metal sends an icy tingle racing down the spine and out to the nerves as the barrel of the revolver slides into the mouth. For a while, the lips tremble and the momentary rattling of teeth against the barrel reverberates within the ears. A single pearl of sweat abandons the assemblage of moisture on the left temple, rolls down the cheek then breaks off upon reaching the jaw. The lungs relax. The heart eases back to its natural beat rate. The goosebumps retreat into the skin. A blink of the eyes imprints an image into the brain, which then sends the austere command to the right hand that holds the gun. Abandoned by its fellows to spend their final moments together tightly around the ivory grip, the index finger with the black nail polish immediately receives the message as it hugs the trigger in a liberal embrace. Without another second of hesitation, the lonesome finger performs its final duty.

On the other end of the trigger, a lever pushes the hammer backward. The coiled spring inside the grip is compressed at the exact same time that the ratchet is nudged to rotate the cylinder into position where a bullet nestled in a chamber awaits to be deployed. The spring kicks the hammer forward. The firing pin extends and strikes the primer of the bullet which consequently explodes and ignites the propellant within the bullet casing. The resulting pressure hurtles the bullet down the barrel at an unstoppable speed.

The blast burns the tongue and sears the inside of the cheeks. The lake of saliva fizzles. The spinning bullet drills into the roof of the mouth, burrowing furious force in search of an exit. From the soft palate, it passes through the nasal cavity and pierces the medulla oblongata, scratching the pons varolii as it goes by. It digs into the cerebellum's arbor vitae before creating a canal between the temporal lobe and the occipital lobe. Finally, it perforates the cranium, bursting out of the scalp in a spray of blood.

The ceiling above becomes the canvas for a red splatter painting, adorned with small pieces of brain and bone. In its center is a tiny crater where the bullet has chosen to rest.

The body remains upright and motionless for a short period of time and from a proper angle, one could peer into the gaping mouth and look through tunnel that the bullet has just produced to see the masterpiece on the ceiling. With a sudden spasm, the body turns limp and teeters backward, falling through a glass table then onto the floor. Fragments drop into open eyes, stabbing the cornea, bathing the blue irises with crimson tears. A thin veil of smoke rises from the revolver barrel, hangs in the air and then vanishes...

*****

dear mom

ive always hated movie suicide letters that begin with "by the time you read this im probably dead" but i couldnt do no better so do my own version of it.

by the time you read this, its maggot christmas since you and dad are on you anniversary vacation and my pathetic excuse for brother is in some stupid summer camp. speaking of the that devilspawn give my whole dvd collection to him by the way since he never returns them when he "borrows" them from me. and while im at it give all of my books to my only friend Drew except for The Sorrows of Young Werther because i want to be buried with it. i dont care what you do to my clothes. donate it to charity sell them on the internet or make a fucking quilt. i have no money to give away because i spent it all drinking last night. i puked in the toilet and didnt bother to clean it up so sorry.

i dont know why but i keep remembering my first day in school and you made me wear that stupid cap with the clapping hands.

anyway thank you for trying your best to love me for who i am. or was.

love
SAM.

ps. oh yeah if youre wondering why i did this: dad has been cheating on you by raping me.

Friday, March 6, 2009

dear diary

dear diary,

gusto kong kumain ng bubog soup, rusty yero sandwich, grilled uling at muriatic acid juice.

gusto kong manuntok ng utong, manipa ng puyo at magjumping rope ng bituka.

gusto kong magdrive ng truck ng sobrang bilis at hindi nagpepreno habang nakablindfold.

oo badtrip ako.

love,
supertahoman.

p.s. gusto ko rin pala manood ng watchmen.
p.p.s. at ng porn.

Tuesday, December 30, 2008

channel Zero

Nagmumulto si Ernie Baron sa TV ko.

Ganito kasi yun: nung isang, isang buwan, bumili ako ng Baron Super Antenna. Lintik kasi yung landlady ng apartment na inuupahan ko. Ayaw magpa-cable. Actually, ayaw nya sa TV. Di ko alam kung pano nabuhay ang matandang yun ng walang TV. Kontento na sya na tumambay sa labas ng nakaupo sa rocking chair nyang hindi naman nagra-rock at nakikinig ng balita at mga dula sa radiong kalong nya. Anyway, dinala ko ps2 at dvd player ko mula sa probinsya at bumili ako ng mumurahing TV para may magawa ako pag wala akong magawa. Kaso mahina ang sagap ng TV sa kwarto ko, pati signal ng cellphone. Kaya bumili ako ng Super Antenna na inakyat ko pa ang bubong ng apartment para ikabit. (Wag nga pala kayo magpapabasa sa tubig na tumutulo galing sa yerong bubong dahil andaming tae ng pusa sa bubong.)

Ayos naman nga ang reception. Malinaw, wag lang hahangin ng malakas. Pati UNtv, kuha. Yun nga lang, pati yung dimensyon kung saan naroroon ang kaluluwa ni Ernie Baron, kuha rin. Nung isang buwan ko nalaman. Nanonood ako ng paiklian ng palda sa Gossip Girl ripoff na Lipgloss ng TV5. Aksidente ko napindot ang remote at nalipat sa channel zero. Nung una, static lang, tapos biglang may nagfade-in na ulo ng tao. Di ko agad nakilala kasi black and white. Tapos naisip ko parang si Ernie Baron. Nakumpirma na lang nung nagsalita sya:

"Kung ika'y may katanungan, nasa akin ang kasagutan."

At kahit anong pindot ko sa remote, ayaw lumipat ng channel. Oo, hinugot ko sa saksakan pero naka-on pa rin yung TV. Di ako naniniwala sa multo, pero dahil di ko maintindihan kung ano ang nangyayari, lumabas ako ng bahay at nagyosi na lang muna. Naisip ko sana ipakita kay manang ang TV ko e baka atakihin pa sa puso ang matanda. Makalipas ang tatlong stick ng lights, bumalik ako sa kwarto at andun pa rin si Ka Ernie na muling nagsabing:

"Kung ika'y may katanungan, nasa akin ang kasagutan."

Kinuha ko ang nagiisang monoblock na silya at pumusisyon sa harap ng TV. Dun ko napansin na sinusundan ng tingin ni Ka Ernie ang bawat galaw ko. Tinesting ko ulit. Tumayo ako at pumuwesto sa gilid ng TV at habol ng lingon ang lumulutang na black and white na ulo ni Ernie Baron. Ayos. Umupo ulit ako. Nagbuntong-hininga ng malalim tapos bigla ko na lang nasabing: "One plus one?"

"Two," agad na sagot ni Ka Ernie Baron.

Napaiktad ako sa silya. Tangina.

Tapos bigla na lang ulit nagsalitan si Ka Ernie. "Tandaan mo, Brian. Kung walang knowledge, walang power. Babaaayy..." Tapos biglang namatay ang TV. Weird no? Pinlug ko ulit ang TV at ini-on. Wala na ang multong Ernie Baron. Bagkus ay isang sosyaling away sa pag-itan ni Abby at Julivee ang palabas.

Kinabukasan, umuwi ako dala ang isang riddle mula sa aking katrabaho ko na di ko masagot-sagot. Ang riddle ay ito: May isang kwarto na may isang bumbilya sa kisame. Ang switch para umilaw yun e nasa labas. Nakasarado ang pinto ng kwarto at bintana o butas o kawang para makita kung buhay o patay ang ilaw sa loob. Sa labas ng kwarto, may tatlong switch. Paano malalaman kung alin sa tatlo ang switch ng ilaw kung isang beses mo lang pwedeng buksan ang pinto?

Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip ng sagot. Pagpasok ko ng kwarto, naalala ko yung nangyari sa TV. Binuksan ko agad at nilipat sa channel zero. Andun na ulit si Ka Ernie.

"Kung ika'y may katanungan, nasa akin ang kasagutan."

Edi tinanong ko yung riddle. Ang sagot ni Ka Ernie ay:

"I-on ang unang switch at hayaang naka-on ng limang minuto. Pagkatapos, i-on yung ikalawang switch. Buksan ang pinto. Kapag naka-ilaw ang bumbilya, yung ikalawa ang switch. Kung hindi naka-ilaw, hawakan ang bumbilya. Kung mainit, yung una ang switch. Kung hindi mainit, yung ikatlo ang switch."

Tangina, oo nga no. Ang galing.

"Tandaan mo, Brian. Kung walang knowledge, walang power. Babaaayy..."

Samakatuwid, lahat ng itanong ko e nasasagot ni Ka Ernie the TV ghost. Kahit ano. Yun nga lang, isang tanong lang sa isang araw. Pero ayos na rin. Lahat ng tanong ko, kahit gano kahirap o kawalang kwenta, may sagot. Kaya sa loob ng halos isang buwan, tanong ako ng tanong kay Ka Ernie. Tinanong ko kung anong tawag dun sa indention sa pagitan ng ilong at labi (philtrum), kung merong nakatirang alien sa ibang planeta (marami), pati kung virgin pa yung crush ko sa office na balak ko sanang diskartehan (hindi na). At oo, tinanong ko kung anong kombinasyon ng numero ang mananalo sa lotto. Pero hindi sumagot si Ka Ernie, bagkus ay inulit lang nya ang slogan nya. Siguro di nya kaya manghula at puro factual questions lang ang kaya nyang sagutin. Sayang.

Nung isang araw paguwi ko, binuksan ko agad ang TV kasi itatanong ko kung ano ang password ng friendster ng crush ko para maview ko yung private albums nya. Paglipat ko sa channel zero, wala si Ka Ernie at puro static lang. Hinugot ko ang cord at namatay ang TV. Nung isaksak ko ulit at i-on, wala pa rin si Ka Ernie. Nagulat na lang ng biglang may nagsalita sa likod ko

"Kung ika'y may katanungan, nasa akin ang kasagutan."

Pero hindi boses ni Ka Ernie, kundi boses ng sabay-sabay na bulong ng daan-daang tao. Pag lingon ko, may matabang halimaw na kulay grey na nakatayo sa gitna ng kwarto ko. Hindi ko alam kung yung grey e damit nya o balat nyang kulubot.

"Wala na ang Ernie Baron mo. Dahil sa mga tanong mo, bumalik ang aking kapangyarihan. Ngayon, di na kita kailangan kaya papatayin na kita."

"Di ba dapat magpasalamat ka pa nga sa kin?" Pasensya. Yun ang unang ko naisip sabihin e.

"Hindi ako nagpapasalamat. Ang alam ko lang e sumagot ng tanong at pumatay. Kung wala ka ng tanong, papatayin na kita at kukunin ko ang kaluluwa mo." Lumapit sa kin ang halimaw ng hindi gumagalaw ang hita nya. Unti-unting tumulis ang mga daliri nya.

"Teka, teka, teka," sabi ko. "Uh, may tanong pa ko."

Umungol ng malakas ang halimaw. "Sige. Huling katanungan, bibigyang kasagutan bago ang iyong kamatayan. "

Shempre ang una kong naisip na tanong e kung pano ako makakaligtas sa kanya. Kaya lang, pano kung ang paraan para makaligtas sa kanya e magsuot ng super tsinelas at tumalon ng tatlong beses? E pekeng havaianas lang ang tsinelas ko. Tapos sunod ko naisip agad e itanong kung pano sya tatalunin, kung pano sya papabalikin sa kung saan sya galing. Pero pano kung ang makakapatay lang sa kanya e kiliti gamit ang buntot balahibo ng ibong adarna o espada na gawa sa mga pako na ipinako kay Jesus Christ? Olats.

"Ano ang tanong mo?!" sigaw ng halimaw.

Sa kabila ng kaba, sa kabila ng tagaktak ng pawis, pangangatal ng tuhod at sunod-sunod na paglunok, ngumiti ako at nagtanong:

"Ano ang eksaktong halaga ng pi?"